Mensahe sa Software Freedom Day 2011 Celebration
Magandang umaga po sa atin lahat.
Ika-6 na taon na nang pandaigdigang selebrasyon na ito. Software Freedom Day. Isang buong araw na pagtitipon-tipon ng mga baguhan, dati na, mga usyusero at mga estudyante "to share, copy, study and redistribute software."
Mahigpit na ipinagbabawal ng kasalukuyang mundo ng proprietary software ito. Malaking sagabal sa malaking tubo ng malalaking proprietary software vendors ang mga "pirata." Kaya't mayroon talagang dalawang ahensiya ng gobyerno upang protektahan ang negosyo ng mga miyembro ng Business Software Alliance. Sa ngalan ng proteksyon umano sa "creativity", copyright, patents, trademarks at kung anu-ano pang imbensyon ng Trade-Related Agreement on Intellectual Property Rights sa loob ng General Agreement on Tariffs and Trade ng World Trade Organizations - pinopondohan ang National Bureau of Investigation - Pilipinas Anti-Piracy Team at Optical Media Board upang habulin ang mga pirata. Sila ang "Army" ng mga proprietary software vendors. Hanggang ngayon, hinahalughog pa rin nila ng mga maliliit ng internet shops, maliit ng start-ups at iba pang negosyante na napilitang gumamit ng hindi awtorisadong software dahil hindi affordable ang mga ito. Bakit nga naman ang P10 (mahal na CD na ito sa CD-R King) ay ibebenta ng P5,000 pataas upang magkaroon ng lisensya sa paggamit ?
Bilang mga software developers at mag-aaral ng computer science o kaya'y geek - ayaw nga ba natin ng proteksyon sa creativity?
Duelo
Sa isang programa sa telebisyon, pinag-usapan ng CPU, kaharap ang mga representante ng OMB at Intellectual Property Office ang "piracy" at kung masusugpo nga ba ito ng gobyerno? Ang simple naming sagot, hindi. Hanggat absurd ang presyo ng CD ng mga software, kulang ang trabaho na makasasapat para sa mga kuya at ate ng "DVD-DVD", may malalaking smuggler na nagpapasok ng mga ito sa Pilipinas na katuwang pa malamang ang ilang taga-gobyerno, mananatiling problema ito.
Subalit may mundo kung saan lahat ng ito ay pinapahintulutan. Ang freedom to run, study, copy, redistribute at share software ay batas na dapat sundin sa mundo ng Free and Open Source Software.
Ang "Four Freedoms" na ito ang salalayan ng patuloy na pagsuporta ng mga komunidad ng FOSS Community sa Freedom of Information.
Ngayong araw, naghanda ang CPU at mga katuwang na organisasyon ng aabot sa 300 kits ng Ubuntu, Wikimedia, at Open CD na naglalaman ng mga high quality software na alternatibo (para sa iba) at palagian ng gamit para naman sa mga matatagal ng advocates ng Free and Open Source Software.
Creativity
Paano dapat hinaharap ang usapin ng creativity ng mga artists, software developers at ibang creators ng creative works?
Kailangan ang proteksyon para sa mga creators ng hindi balakid sa pagpapakalat at pagbabahagi ng mga likha.Sundin lamang Free and Open Source Philosophy. Dito tinitiyak na ang creators at kanilang likha ay duely attributed, acknowledged at compensated. Sa paggamit ng Creative Commons katulad ng WIkipedia naibabahagi at accessible ang kaalaman at impormasyon sa malawak na mamamayan na may pagkilala sa mga lumikha nito.
Suporta ng Gobyerno
Malaki ang tungkulin ng gobyerno upang tiyakin ang Freedom of Information. Sa ngayon, may nakabinbin na batas hinggil dito. Sa aspetong ito, iniwanan ng teknolohiya ang mga burukrata.
Bakit? Sa dami ng mga FOSS tools na maaaring magamit upang maging accessible ang mga datos mula sa gobyerno - ang sagabal ay mismong batas o pahintulot upang mailabas ang mga impormasyon na ito sa mamamayan. Malaki ang potensyal na maging enabler ang FOSS para sa Freedom of Information. Subalit ang kasalukuyang administrasyong ng tuwid na daan ay ginamit lamang talaga ang pagpasa diumano nito bilang propaganda sa kampanya.
May Free and Open Source Software Bill ang opisina ni Bayan Muna Rep. Teddy Casino. Sa ilang kongreso na nakalipas hindi man lang ito umabot sa committee level. Paulit-ulit na konsultasyon. Nakakabagot na puntahan dahil nagpapaliwanang ka sa mga iilang kongresman na malaman iilan lang sa kanila ang nakakaintindi.
Sabagay, karamihan talaga yata sa kongreso ay hindi maka-intindi. Ni ang simpleng "Education Budget, dagdagan. Huwag bawasan" ay hindi maintindihan. Ang apache, mysql, open standards, open source software, Ubuntu, Open Office pa kaya.
Gayunpaman, tungkulin nilang maintindihan ang mga iyan. Habang tayo ay nagpapaliwanag. Kailangan nilang makinig at makita ang malaking benipisyo ng Bill na ito ng Bayan Muna.
Napapangiti ako lagi sa maraming Developers na may start-up initiatives. Kahanga-hanga ang kanilang inisyatiba. Subalit sa kasalukuyang kalagayan ng bansa, masalimuot ang kompetisyon. Sa kabilang banda, walang market ang kanilang services dito sa bansa. Dahil ang bansa ay nananatili sa atrasadong agrikultura, import-dependent at export-oriented sa production. Kapag atrasado at bansot ang ekonomiya ng bansa - mahirap talaga umunlad ang mga start-ups na ang serbisyo ay high tech.
Sa kasalukuyan, ang prioridad ng gobyerno para sa pagpapa-unlad ng ICT industry ay pagpaparami ng mga business process outsourcing. Kaya't kadalasan walang kasigurahan ang maraming system administrators, developers etc sa kanilang mga trabaho. May isang malaking kumpanya ng outsourcing dito na ang trabaho ng mga empleyado ay 9 hours - ang isang oras ay OT-TY.
Ang pagpasa ng FOSS Bill ay isang malaking tulong para sa local na industriya ng ICT. Dahil nakasaad rito ang pag-mandate sa mga government agencies na gumamit ng FOSS maliban na lamang kung talagang hindi maaari. Gayundin, nais nitong bigyan ng prayoridad ang mga Filipino-owned companies sa pagbibigay serbisyo sa gobyerno. Ang ganito kalawak na suporta ay siguradong magpapa-usbong sa local ng industriya.
Software freedom day
Simula 2004 sa UP, 2005 sa PUP, 2007 sa ASTI, 2008 sa UMAK, 2009 sa UST, 2010 sa UP at 2011 muli sa UST - ang Philippine Celebration ng Software Freedom Day ay nagpakilala sa malawak na estudyante, enthusiasts at common computer users sa Free and Open Source Software. Libu-libo na ang ating naabot.
Ang CPU ay katuwang ng mga student organizations sa daan-daang teknikal seminars upang sa maaga pa lamang makita nila ang kagandahan at bentahe ng FOSS.
Maraming organisasyon rin ang nakabahagi natin. Maraming mga users groups at iba pa, ang walang sawang nagpapatuloy sa FOSS advocacy. Ang ilan ay nanlamig na. Pero tayo ay patuloy pa rin.
Higit sa lahat ang FOSS tools ay nag-enable sa mga maraming individual na naging katuwang ng CPU sa advocacy ng ICT for the People. Gumawa kami ng mahigit 30 websites gamit ang Drupal CMS. Gumawa kami ng election monitoring system gamit ang Drupal, Ushahidi at GSM library ng GNU/Linux, Gumawa kami ng natural disaster monitoring system at human rights violations monitoring system gamit ang PHP/MySQL. Nagpapatuloy ang internship ng CPU na may FOSS curriculum. Kami lang yata ang organisasyon na ang internship program/curriculum ay naka-batay sa mga FOSS Tools. Pitong batses na ng interns ang aming napa-graduate rito.
Sa buong araw na ito, magtanong hinggil sa FOSS na matutuklasan ninyo.
Open your mind to free and open software. May the source be with you!





























Add comment